ABOUT ME

Hi Ladies! Welcome to my online diary. I am known in Youtube as a Beauty & Lifestyle Vlogger (you may check out my Youtube Channel), but before I got into youtube, I have already written numerous books on Wattpad and had posted several blogs on my old sites. I don’t want to lose my passion in writing that’s why I decided to start blogging again. This site is about my journey and I’d be more than happy to share with you. Xoxo, Lady Martin

Hi Single Ladies!

Friday, August 16, 2013



Hi Single Ladies


I decided to dedicate my first blog to all the ladies out there who are usually insecure about their face, height, weight, skin and etc. For short, this is is dedicated to all the SINGLES all over the planet! 

NOTE: This is not a full English blog.

Have you ever heard the word NBSB? Do you know what that means? If no, then let me tell you.

'NO BOYFRIEND SINCE BIRTH! #CapslockParaINTENSE

Yes, they are the one who haven't experienced having a boyfriend. Sila yung mga babae na gustong gustong pag usapan ang love kahit hindi pa naman sila nagkakaboyfriend. Yung mga babaeng ang hilig magbigay ng advise sa mga heartbroken girlfriends nila. Where do they get their advise? 100% sure ako na sa mga korean drama na pinapanuod nila. Pwede din sa mga story sa wattpad. Or possible din sa dati nilang experience sa kanilang mga crushes and yung mga naging ka M.U nila. One of the most obvious description for singles, SOBRANG DAMING CRUSHES. Believe me. Most of the time, makakakita lang sila ng gwapo crush na nila. Isa pang secret, mahilig silang man stalk. MAGALING NA STALKER ANG MGA SINGLE.

If we are going to compare those who are single to those who are in relationship, we can conclude na mas masaya talaga maging single. Walang ibang pinoproblema kundi pag-aaral at pamilya. They don't have to deal with those useless dramas. Sa simpleng ngiti at tingin palang ng crush sa kanila, sobrang saya na nila. AYAN ANG SINGLE! Ang babaw ba?

We always see them that way. But if we are going to look into the deeper side, we'll see what they really are.

Singles/ NBSB, they are the one who are usually struggling with insecurities. Sila yung usually nakakaramdam ng pagiging "unwanted" and "unloved". Bakit nga ba hindi, diba? They don't have someone who appreciates them specially. Yung kahit wala kang make up, sasabihan ka padin na maganda ka. Even if hindi ka mag ayos, wala ka nang dapat ipangamba because you know that there is already someone who appreciates your beauty kahit basahan pa yang suot mo. 

Isa pa sa pinakamahirap na struggle ng mga singles, is yung pag question nila sa sarili nila ng "BAKIT PA NGA BA KO SINGLE?".

"Panget ba ko? Mataba? Unworthy of their love? Ganun na ba talaga ako kapangit kaya walang nagkakagusto sakin?"- GANYAN PO SILA KAINSECURE.

But you know what? I salute all the single ladies around the globe. Yung mga babaeng hindi atat magkaboyfriend. Yung mga girls na contented at masaya even if they don't have someone to share their sweet romances with. Yung mga single na kayang sabihin ang "SINGLE AKO AT MASAYA AKO" ng walang halong pagsisinungaling at pagkasarcastic. Sila yung mga girls na nagpapatunay na hindi lang naman sa lalaki umiikot ang mundo. Hindi kailangan ng lalaki para maging masaya.

PANGIT KA? MATABA? UNWORTHY OF THEIR LOVE?

HINDI PO TOTOO YAN. Maganda ka, maniwala ka. Hindi ka mataba, mas payat lang ang iba. Unworthy of their love? You are always worthy to be loved, sila nga lang yung hindi worthy sa pagmamahal mo. Okay lang mainsecure paminsan minsan dahil isa rin ito sa mga nagshashape ng whole being mo. But you should never let your insecurities over power your entire self. Lahat naman ng sobra nakakasama, diba? You don't have to change for anybody. Tandaan mo, God made us differently. Kahit ano pang ayos mo, espesyal ka. Hindi mo kailangan magbago para lang mapansin ka. Dahil ang taong nagmamahal ng totoo ay nagmamahal din ng buong buo. 

Wag kang mainggit sa mga kaibigan mong may lovelife! Isipin mo nalang na sinusulat pa ni God yung love story mo. Don't also think na hindi ka maganda kaya walang nanliligaw sayo. Minsan lang talaga masyado kang maganda kaya akala nila taken ka na. Don't lower your standards just for the sake of having a boyfriend. Dahil ang totoong lalaki gagawin lahat para lang mapasagot ka at hindi basta basta lilipat nalang sa iba kapag nahirapan na. 

Always remember, you are God's princess. You deserve the best! Nothing more, nothing less.

SO WHAT IF YOU ARE SINGLE?

"SINGLE AKO AT MASAYA AKO. HINDI KO KAILANGAN NG LOVELIFE MAG AARAL MUNA KO"

Yeah, girls! That's the best thing to do. Mag aral muna. Hindi naman kayo mauubusan ng lalaki e. The right guy will come at the right time. kaya wag munang mag madali.





Madam Lady Martin 8/16/2013