ABOUT ME

Hi Ladies! Welcome to my online diary. I am known in Youtube as a Beauty & Lifestyle Vlogger (you may check out my Youtube Channel), but before I got into youtube, I have already written numerous books on Wattpad and had posted several blogs on my old sites. I don’t want to lose my passion in writing that’s why I decided to start blogging again. This site is about my journey and I’d be more than happy to share with you. Xoxo, Lady Martin

How I Learned to Love Myself

Wednesday, August 24, 2016




Grade 6 Photo

“Hmmm. Okay naman kung sasabak ka sa showbiz e. Pero magpaputi ka muna and magpapayat ka na din. Try mo baka sakaling makapasok ka” 



Hindi ko makakalimutan ang mga salitang ito na sinabi sakin ng bading na talent scout seven years ago. Lagi kasi nila kinukuha si mama na mag play sa mga shows then pag wala akong pasok sumasama ako. Dream ko before ang maging sikat na singer kaya naging interested talaga ako sa pagpasok sa showbiz. Pero dahil nga di ako maganda, maitim ang balat at mataba… e hindi naging madali. Wala kasi kasi akong pake sa itsura ko ng mga panahong yun. Kain lang ako ng kain tapos bilad sa araw. 



First Year College in UST
UST Finance Ambassador and Ambassadress 2014

ko, tinry ko ulit. Nakapasok ako ng Top 5 and nakakuha ng award sa 2nd Pageant ko. Then after ng ilang months, pinipilit nila akong sumama sa audition for the Thomasian Ambassador and Ambassadress. Tinanggihan ko na talaga yun. Di na kasi siya kasya sa schedule ko. Maliban kasi sa super busy ko dahil graduating student ako, may dalawang malalaking event pa ko na kailangan asikasuhin dahil ako yung Project Head. Nakakatuwa lang no? Dati e ako pa yung nag pupumilit na sumali sapageant pero ayaw nila sakin. SIno ba mag aakala na makakasali ako ng pageants sa UST? Never have I imagined na mangyayari yun.

UST Finance Ambassadress  2015











Then I reached 18 and NAGBAGO ANG LAHAT. Bigla ko gustong magpapayat. Nag enroll ako sa gym, nag braces ako para umayos ngipin ko, nagpadigital ako ng hair at nagpaputi ako. I started being concious sa mga kinakain ko. Inalagaan ko na yung skin ko and nag start na kong makisabayan sa mga #ootd post.



Then pagdating sa pananamit e shirt at pantalon lang talaga ako. Pinapagalitan nga ako ng nanay ko lagi kasi ang baduy ko daw manamit pero wala talaga akong pake ng mga panahong yun. May mga taong nam bubully, kesho “negra” daw ako, malapad noo ko na pwede nang landing-an ng airport. Hindi ako makapag shorts kasi ang dami kong peklat dahil sa hilig kong makipaglaro sa labas ng bahay. Dagdag mo pa yung appetite ko na laging gutom. 

So in short, I was the “Matabang, Negrang Peklatin na malapad ang Noo”

There were people na talagang mamatahin ka dahil sa itsura mo. Ang masakit e lagi kang macocompare sa ibang tao. It came to the point na I gave up my dream na makapasok ng showbiz dahil nga hopeless itsura ko. I mean let’s be realistic. Sa showbiz naman kasi it’s either super talented ka or sobrang ganda ka o kaya naman sobrang pangit ka. Bawal ang average.

Then college came. I was out of my comfort zone. First time kong makisalamuha sa sobrang daming tao. And ang daming magaganda at gwapong studyante sa UST na para bang pag nakita mo, lol… Mukha akong pulubi pag tumabi sa kanila. Nakaka insecure noon pero inisip ko na lang na pagbubutihin ko na lang ulit studies ko. Kanya kanyang porte lang yan. Dyan kayo sa pageants at pag papaganda, ako dito na lang sa pag aaral. Tinanggap ko na lang na never ko ma eexperience ang pagsali sa pageants sa ust kasi di naman ako qualified.

Then I met my “FIRST UST CRUSH”

Grabe. Sobrang gwapo niya talaga. Para siyang anghel na bumaba sa lupa. OA pero legit. Commercial Model kasi e. Pareho kaming commerce lol. Few rooms away lang siya sakin pero WTH hindi niya na naman ako mapapansin. Duhh. Isa kaya siya sa mga candidate for Mr. Commerce. E di hamak na mag aaral lang naman ako. Tapos yung mga babaeng nililigawan niya ang chx sobra. Walang wala ako. Grabe, first heartbreak ko sa UST yun. Hindi kasi niya talaga ako pinapansin.

Then one day, naghahanap ng representative yung section namin para sa Commerce Pageant. Grabe kahit di ako qualified nag presenta ako. Gustong gusto kong sumali non para mapansin ako ng crush ko. Kaso ayaw sakin ng mga classmates ko. Matatalo lang daw kami pag ako. Oh well, hindi ko naman sila masisisi. LOL.


My friends started to notice the changes. I started getting compliments. Then on my 3rd year in College, I was chosen as the representative of our section for the Finance Ambassador and Ambassadress. Ayaw ko talaga sumali kasi nga I know naman na hindi ako yung girl na pwede mong ilaban sa pageants. Pero tinry ko kasi inisip ko matatanggal din naman ako sa audition. Then after a week, I found out na nakapasok ako then yun nga... That was my first pageant in UST. Year after t hat, gusto ulit nila ako isali. Ayaw ko na talaga that time kasi nahihiya na ko kasi ang feeler ko naman. Pangalawang beses na. Pero dahil mapilit mga classmates


It's not easy. Madaming frustrations and disappointments, but what will keep you going is your commitment and love for yourself. 


Kahit ako na sobrang bongga na yung transformation, marami pa akong gustong iimprove sa sarili ko. I still have lots of goals in life that I want to accomplish. Madami sa goals ko ay parang malayo pa at matagal ko pang maabot but I don't think that I'll stop changing for the better. 


I don't think I'll ever stop loving myself.




I decided to post this hindi para ikwento yung love story namin ng crush ko #Char I’m posting this for all the girls out there na super insecure sa kanilang katawan, mukha, kutis, buhok at kung ano ano pang kaartehan sa buhay. I just want to say na 



“Don’t give up on yourself because nobody’s gonna love yourself better than you do”

I know hindi basehan ang physical appearance para sa value ng isang tao, pero if you know naman sa sarili mo na you can still be better and you can still improve yourself on any aspect, then why settle? Kung mataba ka ngayon and you realized na you need to start sweating for the benefit of your health, then go move your ass dude. If you’re insecure about your skin then take care of it. Madaming skin care products sa market. All you have to do is choose wisely (Proud #MAPSLavishlyWhiteningUser Here). If you’re hating your hair… go get a haircut or hair color. Madaming pwedeng gawin kung gugustuhin.


What important is the purpose of what you’re doing. It should be for yourself and nobody else.



Dahil sa mundong madaming mapanlait at mapanghusga, magiging masaya ka lang kung pipiliin mong mahalin kung sino ka.

That’s what I did tho. I loved myself first and never stopped changing for the better.

So thank you sa lahat ng panlalait and pam bubully sakin before.

Those hurtful words serve as my motivation to never stop improving myself. For those na nakakaranas ng mga ganung sitauation ngayon, never let their words pull you down. Make them your motivaton.