ABOUT ME

Hi Ladies! Welcome to my online diary. I am known in Youtube as a Beauty & Lifestyle Vlogger (you may check out my Youtube Channel), but before I got into youtube, I have already written numerous books on Wattpad and had posted several blogs on my old sites. I don’t want to lose my passion in writing that’s why I decided to start blogging again. This site is about my journey and I’d be more than happy to share with you. Xoxo, Lady Martin

THE REBOUND (PART 1) by Lady Martin

Wednesday, April 22, 2020


Ayoko na. 

Love? That’s bullshit. 

Wala nang ginawa yang love na yang kung hindi saktan ako.

Bakit sabi nila masarap mag mahal?

Anong masarap sa pag iyak? 

Sa pagmumukhang tanga? 

Sa pa ulit ulit na pagpaparamdam sakin na hindi ako sapat? 

Na kulang ako?

Tell me… What’s so great about love?

Tell me…

Because I don’t want to give up on love just yet.

Hindi pa.

Wag muna



Chapter I - OUR FIRST

“Laurel, shot pa!” sabi ni Dan sakin habang nilalagyan ng alak ang shot glass ko.

“Woooh! Yan gusto ko sayo eh. Cheers tayo diyan” sabi ko pagkuha ko ng shot glass at nakipag cheers sa mga kaibigan ko. Dali dali kong tinungga yung alak na hawak ko. 

Woooh. Napakasarap talagang uminom.

“Wag ka masiyado malakas magpa-inom diyan. Mamaya tayo na naman mag aalaga diyan sa babaeng yan” narinig kong sabi ni Jes. Natawa lang ako sa sinabi niya. Nadala na kasi yan kasi every time makaka inom ako ng marami, siya nag hahatid sakin sa bahay. 

Tumingin ako sa relo ko.

11:05 pm

Kanina pa kami nandito sa bar. Kanina pa rin kami nag iinom. Kasama ko ang mga tropa ko. Sila naman kasi lagi kong kasama eh. Mas madalas ko pa silang nakakasama kesa sa boyfriend ko.

Oo. May boyfriend ako. Hindi lang halata kasi parang single na rin naman ako e. Six months na kami ni Wayne. Pero sa six months na yun, bilang ko lang yung mga araw na masasabi kong may jowa ako. Lagi naman kasi ako mag isa. Sobrang bihira lang namin magkasama. Nagtataka ba kayo kung bakit? Lol. Ako rin nag tataka. 

Char.

May dahilan naman kung bakit ganun ang set up namin. Hindi kami madalas magkita dahil sa trabaho niya. Isa siyang sikat na artista. Oh? Gulat kayo no? Ako rin nagulat na naging jowa ko siya. Hindi ko nga rin alam kung bakit jinowa ko yun eh. Oh well… gwapo naman kasi talaga. Maraming babaeng nahuhumaling sa kanya at isa na ako doon. Mabait din naman siyang tao at mataas ang pangarap sa buhay. Yun ang pinaka nagustuhan ko sa kanya. Sobrang taas ng pangarap niya na para bang kaya mong lumipad kasama siya… pero sa sobrang taas… naiiwan ako. Hindi ko siya nasasabayan. Naiiwan ako sa baba at nakatingala sa kanya.

                                                          “Where ka na?”

“Tangina naman besh. Sino na naman tinetext mo diyan?” tanong ni Jes sakin sabay kuha ng phone ko sa kamay ko.

“Akin na yung phone ko” sabi ko sa kanya sabay tayo para kunin yung phone ko. Gosh, parang nahihilo na ata ako.

“Ilang beses ba kita sasabihan na wag ka na mag text ha? Diba siya yung may kasalanan sayo? Siya dapat ang sumusuyo sayo. Hayaan mo siyang pumunta dito nang kusa. Di ka talaga nakikinig no?” sabi ni Jes na parang sasabog na ulo niya sa inis sakin.

“Di yan tanga. Marupok yan. Sobrang marupok” sabi ni Cal sabay tawa ng malakas. Nagtawanan silang dalawa ni Dan na parang mga engot. Sapakin ko tong dalawang to eh.

“Excuse me. I’m not marupok. Mahal ko lang talaga yung tao” sabi ko sa kanila habang binabawi yung phone ko kay Jes.

“Ate, mahal mo nga… pero hindi na tama ginagawa sayo” sabi ni Alec na kanina pa nasa tabi ko at nag phophone. Nakikinig pala tong batang to?

“Trut. Ilang beses na kayo nag aaway dahil diyan sa issue niyo na yan na wala siyang oras sayo… at mas inuuna niya pa yang barkada niya kesa sayo” sabi ni Jes na parang nanay na nag lelecture sa akin.

“Laurel… kung mahal ka, mahal ka. Hindi mo kailangan mag demand ng oras kasi bibigay niya yung sayo ng kusa” sabi ni Cal.

“Tama yon, pards. Galing mo talaga” sabi ni Dan tapos nag appear sila ni Cal at nag shot.

Nakatingin lang ako ng masama sa kanila. Sa totoo lang naiirita na talaga ako. Kahit alam kong tama mga sinasabi nila… nabwibwisit talaga ako. Alam kong hindi perfect relationship namin ni Wayne… pero alam kong mahal niya ko. Kahit papaano…

Mamaya maya… may nagtext sa phone ko.

Si Wayne…

“Nasa show parin. Hindi ako maka alis. I’m sorry. Puntahan kita bukas”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig noong nabasa ko yun. Parang biglang nanikip ang dibdib ko. Parang gusto ko na lang umiyak at magwala dito sa bar.

“Sabi naman namin sayo hindi yan pupunta eh” sabi ni Jes nung nabasa niya yung text ni Wayne.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Lungkot… galit… disappointment… lahat lahat na. Parang halo halo na na hindi ko na maintindihan. Ang alam ko lang sobrang nasasaktan na ako.

He promised me na pupunta siya ngayon. Sabi niya babawi siya sa kasalanan niya sakin noong isang linggo at noong isang araw. Pang ilang beses na to. Ilang beses na ko naghihintay sa kanya. Ilang beses ko na binababa pride ko para lang magkaayos kami. Ilang beses na niya ginagawa sakin to.

Pa ulit ulit… hindi natatapos ang sakit.

Ganon ba ko kawalang halaga sa kanya para hindi niya bigyan ng oras? Wala ba talaga akong halaga sa kanya? Hindi ba ko kamahal mahal talaga?

Ang daming tumatakbo sa isip ko pero iisa lang ang gusto kong gawin… yun ay ang magpakalasing.

“Ate… Okay lang yan. Mag enjoy na lang tayo tonight” sabi ni Alec sakin habang niyayakap ako mula sa upuan niya.

“Oo nga besh. Bukas mo na problemahin yang lalaking yan” sabi naman ni Jes.

“Tama yon. Arat na. Birthday celeb ko pa naman tapos mag dradrama ka diyan” sabi ni Cal sabay hatak sakin para tumayo.

“San mo ko dadalhin?” tanong ko kay Dan at Cal na hinahatak ako ngayon.

“Sayaw tayo. Dami pogi don oh” sabi ni Dan sakin habang tinutulak naman ako papuntang dance floor.

“Ay, ayoko. Kayo na lang. Ano ba?!” sabi ko pero wala silang pake kasi nagpuntahan na kaming lahat sa dance floor.

“Kalimutan mo muna si Wayne ngayong gabi” sabi ni Cal. habang sumasayaw.

“Boyfriend ko si Wayne. Ano ba kayo?” sabi ko sa kanilang lahat. Mga walanghiya tong tropa ko. Gusto pa ata ako magkasala kay Wayne.

“Sinabi ba naming manlalaki ka ngayon ha? Sabi lang namin mag enjoy ka. Wag mo problemahin yung mokong na yun. Sapakin ko pa yun eh” sabi ni Cal. Ayaw na ayaw talaga ni Cal kay Wayne. Umpisa pa lang hindi na siya boto don. Pero since matigas ulo ko… wala akong pinapakinggan sa kanilang lahat.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at huminga ng malalim.

Baka tama ngang kalimutan ko muna si Wayne kahit ngayong gabi lang? Kahit isang gabi lang gusto ko munang gumaan pakiramdam ko. Ayoko munang maramdaman ang sakit. Kahit ngayong gabi lang.


12: 05 am

Anong oras na at pawis na pawis na ko. Kanina pa kami sumasayaw lahat sa dance floor. Pagod na ako pero ayokong tumigil sumayaw. Gusto ko pang iyugyog yung ulo ko. Ang sarap mawalan ng pake sa lahat. Ang sarap maging malaya sa lahat ng nararamdaman ko… ang sara—-

“Ahhhh!!’ sigaw ko nung bigla akong napatumba sa sahig.

Ouch. Sa sobrang yugyog ng ulo ko e nawalan ako ng balance. Hinawakan ko yung ulo ko na parang umiikot ngayon sa sobrang pagkalasing. Naka ilang bote na ba ko ng mule? Traydor talaga yung alak na yun.

“Are you okay?” tanong sakin ng lalaki sa harapan ko habang inaabot yung kamay niya sakin para tulungan akong tumayo.

Inangat ko yung ulo ko para tignan yung lalaking yun. Kahit medyo nahihilo hilo ako… “ang gwapo naman neto”

“Miss, are you okay?” tanong niya ulit sakin sabay alalay sakin patayo.

“Yes” ikling sagot ko sa kanya. Natulala kasi ako sa mukha niya. Iniisip ko kung artista ba tong kausap ko kasi sobrang gwapo eh. Pinikit ko yung mata ko at tsaka binuksan ulit para makakita ako ng maayos. Hilo na kasi talaga ako. 

“Next time… if you’re gonna drink, make sure na yung kaya mo lang. Dinumihan mo sapatos ko” sabi niya sakin sabay alis.

Aba! Walang hiya tong gwapong to ah. Akala ko pa naman napakabait. Pshhh. Napakasuplado pala.

Di ako nakapagsalita. Sinundan ko lang ng tingin yung supladong gwapo na yun. May kasama din siyang mga tropa niya. Pagdating niyang table, umupo lang siya at nag cellphone.

Pshh. Gwapo ka nga wala namang manners.

“Okay ka lang?” tanong sakin ni Dan. Hinampas ko naman silang dalawa ni Cal dahil sa inis ko. Bakit kasi hinayaan nila ako matumba? Tapos di pa nila ako tinulungan. Yung supladong gwapo pa yung tumulong sakin. Kabanas.

Umalis na ko ng dance floor at bumalik na sa table. Nag check ako ng phone. Until now… wala paring text si Wayne. Tinago ko na lang ulit yung phone ko at nag inom. Mamaya maya… I spotted a familiar face… 

“Angelica?”

What is she doing here? 

Angelica is an ex of Wayne. Two years din sila. Ang kwento sakin ni Wayne, nag break sila kasi nalaman niyang may ibang lalaki si Angelica. Ano naman kayang ginagawa niya dito… mag isa?

Naglalakad siya pa exit ng bar nang walang kasama. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at sinundan ko siya. Gusto ko lang sana makita siya ng personal kasi stalk lang sa facebook at instagram ang nagagawa ko sa kanya.

Hmm. Maganda nga talaga siya? Matangkad. Morena. Super model… no wonder at nagustuhan siya ni Wayne. Habang papalabas siya ng bar… nasa likod niya ko at pinagmamasdan siya. Mamaya maya… nag ring yung phone niya. 

“Yes… palabas na ko. Just wait there. Wag ka na lumabas” sabi niya doon sa kausap niya sa phone.

Sino naman kaya ang kausap niya sa phone? Napaka tsismosa ko ba? Lol.

Pabalik na sana ako ng table nang biglang may narinig ako.

“Yes. Wayne, palabas na ko. Just give me a minute”

Wayne

Para akong naging bato sa narinig ko. Hindi ako makagalaw. Parang may glue na nakadikit sa mga paa ko at hindi ako makalakad.

Tama ba ang narinig ko? 

Wayne?

Para akong tangang natigilan sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung susundan ko siya. 

Sino yung kausap niya sa phone? Si Wayne ba yun? Nag uusap pa ba sila? Hindi… hindi magagawa ni Wayne sakin to. Alam kong mahal niya ko. There’s only one way para malaman ko ang totoo… at yun yung sundan siya…

Pero paano kung totoo? 

Paano kung si Wayne nga? 

Kakayanin ko ba?

Kaya ko ba?

Gulong gulo ako pero alam ko sa sarili ko na mag sisisi ako kung di ko aalamin ang totoo. Kaya kahit natatakot ako… sinundan ko si Angelica.

Dali dali ko siyang sinundan habang nagtatago. Pumunta siya sa open parking ng bar… tangina, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon.

Naglalakad siya papunta sa kotseng black na may plate number…

“yung kotseng yun” napabulong ako habang natigilan sa paglalakad.

Hindi ko na kailangang lumapit pa dahil ngayon pa lang alam ko na. Kilala ko na ang nag mamay ari ng black na kotseng yun. Alam ko kasi madalas ko ring sakyan yun.

Hindi umalis ang tingin ko kay Angelica habang pasakay siya sa black na kotse. Kahit parang dinudurog yung puso ko… nakapag lakad pa rin ako papalapit sa kotseng puti na katabi ng kotse ni Wayne.

I have to make sure na si Wayne ang nasa loob ng kotse. Kasi paano kung hiniram lang pala yung car? Paano kung mali pala ako? Kahit parang impossible… kumakapit pa rin ako konting chance na hindi si Wayne ang nasa loob ng kotse.

Lumapit ako sa kotseng puti na katabi ng car ni Wayne at tsaka nagtago. Dahan dahan akong pumunta sa may harap ng sasakyan habang nakayuko para dungawin kung si Wayne ba talaga yung nasa loob. 

Makikita ko na sana nang biglang…

“BEEEEEEEPPPP!!!”

AY POTA.

Parang natanggal yung kaluluwa ko sa lakas ng busina ng kotseng puti. Saktong sakto na nasa harapan na ko ng kotse nang biglang bumusina ng malakas yung kotse. Napa atras ako bigla at biglang may bumusina ulit sakin mula sa likod ko. May dadaan ulit na kotse. Napa upo ako sa kalsada sa sobrang gulat ko. Akala ko mababangga na ko ng kotse. 

Mamaya maya… lumabas na yung driver nang puting kotse at pinuntahan ako na naka upo sa kalsada.

“Gusto mo na bang mamatay?!” sigaw nung driver ng kotse sakin sabay karipas ng takbo.

Para akong nasa state of shock dahil sa mga nangyari. Tinignan ko yung driver ng white na kotse na tumulong saking tumayo…

Aba! Si supladong gwapo to ah.

Nagkatinginan kami ng saglit nang biglang lumabas si Wayne ng kotse at pinuntahan ako.

“Laurel, okay ka lang ba?” tanong niya habang tinutulungan ako tumayo.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit siya bumaba ng kotse? Talaga bang wala siyang pake na mahuli ko siya sa kalokohan niya?

“Ano ginagawa mo dito?” tanong niya pa sakin nung naka tayo na ako.

“Hindi ba dapat ako nagtatanong niyan? What are you doing here?” sagot ko sa kanya. Nagpipigil akong sumigaw at umiyak. Alam ko kasing bawal ako mag eskandalo dito. Hindi pwede dahil baka masira ang image ni Wayne.

Kaya hanggat kaya ko… mag pipigil ako.

“Kakatapos lang ng show. Dapat pupuntahan na kita. Akala ko ba nasa may Timog ka? Anong ginagawa mo dito sa Ortigas, ha?” sabi niya pa. Sa Timog kasi dapat kami pupunta kanina… pero dumiretso kami sa Ortigas. Hindi ko na sinabi sa kanya kasi di na naman pala siya pupunta.

“Talaga? Pupuntahan mo ko?” tanong ko na parang naiiyak na sa galit.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Instead, he asked another question… “Kanina ka pa ba dito?” he asked.

Tangina. Tanga ba tingin niya sakin? Akala niya ba hindi ko alam na nasa kotse niya ang ex niya? Sobrang tinted kasi ang sasakyan niya kaya siguro kampante siya na hindi nakikita si Angelica sa loob ng sasakyan.

“Were you really planning to see me?” tanong ko pa sa kanya.

Hindi siya makapagsalita. Nag nod lang siya.

Napa iling ako. Gago. Ginagago ako neto.

“Pupuntahan mo ko with Angelica?” tanong ko sa kanya na nangingiti na para bang sinasabing “huli ka na boi”.

Natigilan siya. Hindi siya makapagsalita. Paano nga ba siya magsasalita kung huli na siya sa kasinungalingan niya?

“What are you doing here with her?” tanong ko sa kanya. Parang pinupunit ang puso ko sa sakit. Tangina, bakit kasama mo siya? Hindi ba kita napapasaya?

“It doesn’t mean anything. I’m just here to talk to her” sagot niya.

“Wow. Anong kailangan niyo pag usapan ha?”

Hindi na naman siya makasagot.

“What? SAGOT!” sabi ko nang napalakas boses ko. Nakita kong tumingin siya sa paligid namin para makita kung marami bang tao. 

“Pag usapan natin ng maayos. Please don’t make a scene” sabi niya sakin sabay hawak sakin na para bang kinakalma ako. Inalis ko yung hawak niya at tinignan siya ng masama.

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumaba si Angelica ng kotse. Lahat kami napatingin sa kanya. Wow. Lakas din ng loob ng malanding to ah. Talagang bababa pa talaga ng kotse? Plan niya atang ma murder tonight.

Nakatingin kaming tatlo sa kanya nang bigla siyang nagsalita.

“I’m sorry for the trouble. Aalis na lang ako” sabi niya sabay lakad papa alis.

Wow. Just wow.

Lumapit ako kay Angelica at hinawakan ko ang braso niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Natatakot na ata tong lokang to.

“Sinong nagsabing tapos na ko sayo?” tanong ko kay Angelica sabay ngiti na para bang mumurderin ko na siya ngayong gabi.

“Let go of me” sabi niya sakin habang pinanglalakihan ako nang mata. Lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kanya. Tingin mo talaga makaka alis ka dito ng ng may buhok ka pa? Lol.

“Laurel… let go of her” narinig kong sabi ni Wayne mula sa likod ko.

Para akong sinaksak ng kutsilyo sa dibdib. Let go of her? 

Paano naman ako, Wayne? Putangina. 

Binitawan ko si Angelica at humarap kay Wayne. Nagpipigil ako nang luha dahil ayokong may makita siya ni patak ng luha mula sakin. Hindi niya deserve lahat nang pagmamahal ko sa kanya. Sobrang hindi.

Nakatingin lang siya sakin na para bang hindi alam ang sasabihin. Nakatingin lang din ako sa kanya na para bang ang dami kong gustong sabihin. Sobrang dami kong gustong itanong sa kanya.

Bakit? Bakit mo nagawa sakin to? Mahal mo pa ba ko? Minahal mo ba talaga ako? Saan ako nag kulang? Bakit mo ko ginaganito?

Sobrang dami kong tanong pero parang hindi ko kayang malaman ang sagot. Baka ikamatay ko ang sagot. Parang binibiyak ang puso ko ngayon. Ang gusto ko lang mangyari ay maging okay ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin lahat nang to.

“Break na tayo”

Para siyang statwang natigilan pagsabi ko nang mga salitang yun. Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha yung lakas nang loob na sabihin yon dahil sobrang durog na durog na ko ngayon.

“Laurel… please. Pag usapan muna natin to” sabi niya sakin sabay habol pag lakad ko paalis nang spot na yun. 

Ayoko na. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na.

Yun ang pa ulit ulit na tumatakbo sa isip ko ngayon pero sa totoo lang gusto kong habulin niya ko. Gusto kong sabihin niya parin na ako ang mahal niya. Gusto kong sabihin niyang magbabago na siya… na kumapit lang ako at magiging okay rin kami. 

Habang naglalakad papalayo, tumulo na ng tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigil. 

Sobrang sakit. Ang sakit sakit.

Hinawakan ni Wayne ang kamay ko at hinarap ako sa kanya. 

“Laurel… pag usapan natin to. Please” sabi niya na parang iiyak na. Natigilan ako. Bakit ganito ang mga mata niya? Bakit parang di niya ko kayang mawala sa kanya?

“Wayne… ayoko na” sabi ko habang umiiyak. 

Mean ko ba yung sinabi ko? Hindi. Dahil gusto pa rin kita. Mahal pa rin kita. Pwedeng wag mo kong sukuan? Kasi papatawarin kita.

“I’m sorry” sabi niya sakin sabay yakap.

Ang higpit ng mga yakap niya. Para ako nanghihina. Nag try akong tanggalin ang yakap niya pero hindi ako makawala. Dahil ngayon… parang nanghihina buong katawan ko. Sa totoo lang nagugustuhan ko. Itong mga yakap na to… dito ka lang. Wag ka nang umalis. 

Please, Wayne. Don’t let go.

Mamaya maya…

“Let go of her”

Napatingin ako sa nagsalita. Aba! Si suplado gwapo… andito pa rin pala.
Tinanggal niya yung yakap ni Wayne sakin sabay hatak sakin papalapit sa kanya at papalayo kay Wayne.

Nagulat si Wayne sa ginawa niya. Ako rin nagulat. Luh? Sino ba tong lalaking to at nakikisingit samin?

“Anong sabi mo?” tanong ni Wayne na para bang nayayabangan sa lalaking gwapo na to.

“I said ‘let go of her’. Can’t you understand english?” tanong ni supladong gwapo kay Wayne.

“She’s my girlfriend. Who are you? Bakit na ngengealam ka?” tanong ni Wayne na nagpipigil nang galit. Medyo maraming tao na rin sa labas kaya naman for sure iniisip niya image niya.

“She’s not your girl anymore. Nakipag break na siya sayo” sabi ni supladong gwapo sa kanya.

Napatingin ako sa kanya. Aba! Gusto atang masapak neto ngayong gabi. Bakit ba bigla siya nangealam? Baka mamaya siya pa pagbuntungan ng galit ni Wayne.

Napangiti lang si Wayne na para bang konti na lang ay masasapak na niya tong gwapong to.

“Laurel… come here. Ihahatid na kita” sabi ni Wayne sakin.

Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kanya.

“I said come here” sabi niya pa pero this time parang mangangain na siya ng tao. Banas na banas na siya. Alam niya kasing hindi siya pwede mag cause ng scene dito dahil malalagot siya sa manager niya.

“Ang kulit mo ah” sabi ni Wayne sabay hila sakin mula sa likod ni supladong gwapo. 

“Aray! Ano ba?” sigaw ko dahil sa higpit ng pagkakahawak sakin ni Wayne at lakas ng pagkakahatak niya sakin.

Agad naman akong hinawakan ni supladong gwapo. Ay, pota. Balak ata nila hatiin ang katawan ko. 

“Let go of her” sabi ni supladong gwapo kay Wayne.

“Wag ka makealam!” sigaw ni Wayne.

Parami na ng parami ang mga tao sa paligid pero out of control na si Wayne. Talagang galit na galit na siya.

“She’s not going with you” sabi pa ni supladong gwapo.

“Manahimik ka!” sigaw ni Wayne sabay suntok kay suplado pero naka ilag si suplado at biglang sinuntok si Wayne. Napahiga sa kalsada si Wayne sa lakas ng suntok sa kanya.

“Wayne!” narinig kong sigaw ni Angelica sabay lapit kay Wayne para alalayan.

“Laurel” biglang sabi ni suplado habang nakatingin kay Wayne na nakahiga ngayon sa kalsada.

Hala? Bakit kilala niya ko? Stalker ko ba to?

Hindi ako nagsalita. Napatingin lang ako kay supladong gwapo.

Tumingin siya sakin nang napansin niyang di ako sumagot.

“Tell him you’re through” sabi niya sakin. sabay tingin kay Wayne.

Ha?

Ahh. Pinapaulit niyang sabihin kong tapos na kami ni Wayne.

Tumingin ako kay Wayne na nakahiga pa rin sa kalsada kasama si Angelica.

Siguro sapat na yung isang taon na sobrang pagpapakatanga ko sayo. Kailangan ko naman isipin ang sarili ko.

Para ulit akong maiiyak habang tintignan si Wayne ngayon…

“Laurel… don’t do this” sabi ni Wayne habang parang na iiyak.

Gusto na naman tumulo nang luha ko. 

Teka lang. Kaya ko bang sabihin? Kaya ko ba ulit sabihing ayoko na?

Teka lang… hindi ko pa ata kaya.

Hindi ako nakapagsalita. Para akong natuod. Nakatingin lang ako kay Wayne.

Mamaya maya… bigla na ko ulit hinatak ni supladong gwapo.

Hinatak na niya ko papunta ng sasakyan niya habang iniiwan si Wayne at Angelica doon sa kalsada na pinapalibutan na ng mga tao.

Gusto ko sanang bumalik at alisin ang hawak netong lalaking to pero ang higpit ng hawak niya.

“Teka… Wait lang. Saan mo ko dadalhin?” tanong ko kay lalaking gwapo habang hinahatak pa rin ako papuntang sasakyan niya.

“Go inside” sabi niya sabay bukas ng pinto niya ng car.

Una nagdalawang isip ako kung papasok ba ko ng kotse kasi di ko naman siya kilala. Baka mamaya masamang tao pala siya. Pero tinulungan niya naman ako kanina diba? Kung masamang tao siya dapat wala siyang pake sakin.

May masamang tao bang ganito ka gwapo?

Nagulat na lang ako nang bigla niya ko tinulak mula likod para sumakay ng kotse niya. Hindi na ko umimik pa… sumakay na lang ako car kahit di ako sure kung tama ba ginagawa ko.

Sumakay na din siya sa car nag nag start na ng engine. Nakatingin lang ako sa kanya na para bang nagtataka kung anong ginagawa niya… Ano nga ba kasi ang ginagawa ng lalaking to?

“Don’t worry. I won’t hurt you” sabi niya sakin na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

Napakurap ako. Naputol ang pag iisip ko.

“A-ano bang ginagawa mo?’ tanong ko sa kanya habang nakatitig pa rin sa mala artistahin niyang mukha.

“I’m saving you” ikli niyang sagot sabay paandar ng sasakyan…

Teka… teka.. Umaandar na ang sasakyan pero di ko pa kilala kung sino tong kasama ko. Jusko. Baka mamaya mamatay tao to? Lol. 

Ganito ka gwapo mamatay tao? Yung totoo, Laurel?

Hindi na ako nagsalita. Di ko rin kasi alam ang sasabhin at gagawin ko. Ayoko bumalik doon sa bar. Mas mabuti na rin siguro na itong supladong gwapo ang kasama ko kesa naman doon sa Wayne na yun.

“I’m Tyler…” bigla niyang sabi habang nagmamaneho.

Tumingin ako sa kanya habang siya naman ay hindi inaalis ang mata sa kalsada…

Tyler…. 




Salamat.